Already a Member? Sign In | Sign Up
 

world News

RMN Networks | WORLD News Pinakamagaang sanggol sa Germany, himalang nabuhay

Pinakamagaang sanggol sa Germany, himalang nabuhay

March 07, 2010
A A A
(8:47 AM) ALAM niyo bang isang premature na sanggol na tumitimbang lamang ng mababa pa sa 9-oz, ang himalang nabuhay sa Germany.

Ayon sa mga doktor ng University of Goettingen Hospital, ang sanggol na tinaguriang ‘pinakamagaang bagong panganak sa buong mundo’ ay may timbang na 8.8oz o 275 grams lamang.

Hindi pa rin makapaniwala ang mga doktor sa itinagal ng buhay ng bata dahil anila imposibleng maililigtas ang mga sanggol na ipinapanganak sa mababang timbang.

Bago idineklarang ligtas na sa kapahamakan, isinailalim muna ang sanggol sa intensive care units (ICU) sa loob ng anim na buwan.

Comments

Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.