Already a Member? Sign In | Sign Up
 

world News

RMN Networks | WORLD News Mga piloto at cabin crew ng British Airways, maglulunsad ng pitong araw na strike

Mga piloto at cabin crew ng British Airways, maglulunsad ng pitong araw na strike

March 13, 2010
A A A
(1:15PM) NAKATAKDANG maglunsad ng pitong araw na strike ang mga piloto at cabin crew ng British Airways bunsod pa rin ng hindi matapos na usapin sa suweldo at sa kondisyon ng trabaho ng mga empleyado.

Inihayag ng Unite, ang unyon ng airline staff, tatlong araw ang plinanong strike na magsisimula ng ika-20 hanggang ika-27 ng Marso.

Kaugnay nito, nagbanta ang isang senior union official, na magpapatuloy pa ang kanilang industrial action laban sa airline company sa ika-14 Abril kung magpapatuloy pa rin ang naturang problema.

Sinabi naman ng pamunuan ng B.A. na ang paghihigpit na ito ay kinakailangan upang maibsan ang problemang pinansyal ng kompanya sanhi ng global recession.

Samantala, nagpapatuloy na ang training sa karagdagang 1,000 cabin crew na kakailanganin ng B.A. sa oras na lumipad ang naka-antabay na strike ng mga empleyado.

Comments

Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.