world News
Isang German artist, inayos ang mga sirang pader at monumento gamit lamang ang lego
Ang 26-anyos na si Jan Vormann, ang sinasabing nag-ayos ng isang pader sa isang lumang lugar ng Tel Aviv hanggang New York’s Bryan Park gamit ang makukulay na plastic o lego.
Kadalasan siyang humihingi ng tulong sa mga dumadaan na mga taong naiintriga sa ginagawa nyang dahan-dahan pagpapasok ng mga piraso ng lego sa mga butas ng sirang pader.
Ayon kay Vormann, ang kaniyang mga gawa ay nagbibigay-kulay sa mga lumang bagay na napaglipasan na ng panahon at hindi na nabibigyan ng pansin o pagpapahalaga ng mga taong nakatira sa lugar na iyon.
Comments
Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.