sports News
Clottey, walang ligtas sa nag-uumapoy na kamao ni Pacquiao
At sa dulo ng scheduled, 12-round match para sa WBO welterweight belt ni Pacquiao, titiklop si Clottey, malalamog siya sa dami ng suntok na tatanggapin.
Ayon kay Four-Time Trainer of the Year Freddie Roach, hindi maililigtas si Clottey ng kanyang mga pasalag-salag dahil hindi pa siya nakakakita ng boksingerong tulad ni Pacquiao.
Magiging sukatan ito ng umaapoy na opensa ni Pacquiao kontra sa nagyeyelong depensa ni Clottey.
Magaganap ang “the event” sa March 13 na sisiklab sa $1.2 billion Cowboys Stadium.
Inaasahan na ang sellout crowd na 45,000, kahit malayo ang kinauupuan ay hindi mapapalagpas ang matinding aksiyon sa pamamagitan ng higanteng 72-foot-high, 160-foot-wide video boards na inilagay sa itaas ng ring.
Comments
Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.