Already a Member? Sign In | Sign Up
 

science News

RMN Networks | SCIENCE News Silent phone conversation--posible na sa gadget na tinatrabaho ng mga eksperto

Silent phone conversation--posible na sa gadget na tinatrabaho ng mga eksperto

March 09, 2010
A A A
Malapit nang matapos ang kunsumisyon ng ibang commuters sa kanilang mga katabi na ang-iingay makipagn usap kapag may tawag sa cellphone.

Tina-trabaho na ng mga eksperto ang isang proto-type device na makakatulong sa mga tao upang makagawa ng silent phone conversations.

Kapag natuloy, susukatin ng naturang technology ang electrical signals na napo-produce ng muscles kapag nagsasalita ang isang tao.

Kayang i-record ng device ang mga pulsong ito kahit pa hindi ilakas ng isang caller ang kanyang boses na magagamit ang pulses na ito upang ma-synthesize ang sinasabi sa isa pang cellphone.

Sa pamamagitan ng silent communication na nais ng mga dalubhasa, hindi na raw mabubuking sa mga bus o commuter trains kung ang nag-uusap ay nag-aaway dahil sa utang, nagka-iwanan ang dating lovers o kung may tsismis na pinag-uusapan na minsan ay nakaka-bulahaw sa ibang pasahero ng mass transport system.

Comments

Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.