Already a Member? Sign In | Sign Up
 

science News

RMN Networks | SCIENCE News Blog contest para sa mga OFW naisulong sa pamamagitan ng internet

Blog contest para sa mga OFW naisulong sa pamamagitan ng internet

November 15, 2009
A A A
Sa tulong ng makabagong teknolohiya…

Naisulong ng mga advocacy group ang prestihiyosong blog contest para sa mga Overseas Filipino Workers sa ibat-ibang parte ng mundo.

Dadalo ang mga business executive at labor officials sa 2nd Annual International Expats/OFW blog o PEBA Awards sa December 26,2009.

Ito’y gaganapin, alas-sais ng gabi sa Ang Bahay ng Alumni Convention Hall sa UP-Diliman, Quezon City na sasabayan ng tatlong araw na photo exhibit.

Ayon kay Felix Jigs Segre, ang Program Director ng PEBA, kasali sa blog contest ang tatlumput-pitong nominees mula sa dalawamput-isang bansa na may mga manggagawang pinoy na babad sa internet.

Layon ng hakbang na mapahalagahan ang saloobin ng mga pinoy worker sa abroad at mapasigla ang pagsisikap nila na mapatunayang ang mga OFW ay tunay na mga bayaning buhay ng bansa.

Para sa mga karagdagang impormasyon sa awards night at photo exhibits, tawagan ang telepono bilang 0915-3934770 o 2191018.

Comments

Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.