Already a Member? Sign In | Sign Up
 

regional News

RMN Networks | REGIONAL News Mister ng Brgy. Captain sa Surigao del Norte, pinatay

Mister ng Brgy. Captain sa Surigao del Norte, pinatay

February 17, 2010
A A A
(11:26 AM RMN-Surigao) DEAD on the spot ang asawa ng incumbent Brgy. Captain ng Camp Edward, Alegria, Surigao del Norte matapos pagbabarilin ng dalawang suspek.

Kinilala ang biktima na si Teddy Salgarino, 38-anyos at residente ng naturang lugar.

Ayon sa mga otoridad, ang biktima ay pauwi na ng kanilang bahay mga dakong alas 6:45 ng umaga kahapon nang bigla itong barilin ng dalawang hindi nakilalang salarin.

Na-recover sa pinangyarihan ang empty shell ng isang shotgun.

Sa follow-up operation ng PNP, isa sa mga suspek ang nahuli at nakilalang si Manuel Elor Coquilla, 45-anyos, may asawa at naninirahan sa Brgy.

Ombong sa bayan ng Alegria. Hanggang sa mga oras na ito, patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang suspek sa pagtukoy ng motibo sa pagpatay at nang mahuli ang isa pang kasamahan sa pagsagawa ng krimen.

Comments

Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.