regional News
Kaso ng mga sakit sa Iloilo, tumaas
Ayon sa record ng Iloilo Provincial Health Office mula Enero hanggang Marso 2 ngayong taon, nangunguna dito ang typhoid fever na may 150 cases mula sa 32 cases sa nasabing period noong 2009.
Umakyat naman sa 89 ang narecord na kaso ng hepatitis ngayong taon mula sa 9 cases sa ganoon ding period noong nakaraang taon.
Samantala may narekord na 50 cases ng dengue fever kung saan dalawa na ang namatay habang noong isang taon may narecord na 10 kaso.
Pinapayo naman ng mga health officials na ingatan ang kalusugan lalo na sa panahon nang El NiƱo phenomenon.
Comments
Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.