Already a Member? Sign In | Sign Up
 

regional News

RMN Networks | REGIONAL News Hostage na Indian national, nailigtas ng mga otoridad sa Laguna

Hostage na Indian national, nailigtas ng mga otoridad sa Laguna

March 12, 2010
A A A
(8:13PM) NAILIGTAS na ng mga otoridad ang isang Indian National matapos na dukutin ng apat na hindi nakilalang mga suspek sa Barangay Concepcion, San Pablo City Laguna.

Nakilala ang nailigtas na biktima sa alyas na Romy, 33-anyos, negosyante at residente sa nasabing lalawigan.

Nabatid na nangongolekta ng mga pautang ang biktima nang lapitan at tutukan ng baril ng isa sa mga suspek at sapilitang isinakay sa kulay asul na kotse.

Napag-alaman na humihingi ng ransom money na nagkakahalaga ng 20 million ang mga suspek sa pamilya ng biktima ngunit swerteng namataan ang getaway vehicle ng mga ito.

Bunsod nito, nagkaroon ng operasyon ang mga otoridad at ligtas na nabawi ang suspek sa kamay ng mga kidnapper.

Comments

Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.