national News
Villar, nakaungos na sa latest Pulse Asia survey
Ipinagmalaki ng Nacionalista Party na walang epekto sa kanilang standard bearer na si senator Manny Villar ang mga paninira sa kanya tulad ng C-5 road project.
Sa panayam ng RMN Manila, sinabi ni dating congressman Gilbert Remulla na siya ding tagapagsalita ng NP na hindi napigilan ng C-5 road at maging ng secret deal daw ni Villar sa Malakanyang ang patuloy na pag-arangkada niya sa mga survey.
Patunay aniya ditto ang lumabas na pinakahuling survey ng Pulse Asia noong Enero 22 hanggang 26 kung saan nakuha ni Villa rang 46% habang 45 % na lamang si Senator Noynoy Aquino mula sa 1,800 na respondents.
Ayon pa sa report, 32 points na ang nabawas kay Aquino na nakakuha ng 62 percent sa one-on-one survey ng Pulse Asia noong Oktubre 2009 habang umangat si Villar ng 14 points mula sa dating 32 percent nito.
Comments
Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.
24°C to 35°C
Moderate to Strong:
East
Manila Bay:
Moderate to Rough
.