national News
Porma ng balota, binago ng Comelec
Babaguhin ng Commission on Elections ang disenyo at sukat ng balotang gagamitin sa automated election sa May 10.
Ito ang kinumpirma ni Comelec chairman Jose Melo, matapos napagkasunduan ng mga opisyal sa isinagawang en banc session at inatasan na ang National Printing Office hinggil dito.
Gagawin nang 'landscape' o nakahiga ang papel ng pag-imprenta sa balota sa dating porma na 'portrait' o patayo upang ma-'maximize' ang espasyo.
Nabawasan rin ang haba ng balota, mula sa dating 29 inches ay magiging 8 1/2 x 25 inches na lamang ito.
Inamin ni Melo na bahagi ng kanilang security measure ang pagpapalit ng porma ng balota at ia-advertise na lamang nila ang itsura nito sa publiko.
Inaasahang masisimulan ang imprenta sa Pebrero 7, 2010 habang kabuuang 50, 723, 734 balota ang kanilang mapi-print, katumbas ng bilang ng registered voters.
Comments
Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.