Already a Member? Sign In | Sign Up
 

national News

RMN Networks | NATIONAL News Panunuhol umano ng mga Ampatuan sa ilang mediamen, hindi lingid kay Mangudadatu

Panunuhol umano ng mga Ampatuan sa ilang mediamen, hindi lingid kay Mangudadatu

February 03, 2010
A A A
(11:13AM)

Hindi inaalis ni Buluan vice mayor Ismael “Toto” Mangudadatu na totoo ang kaniyang mga naririnig hinggil sa pagpapakalat ng mga Ampatuan ng salapi sa ilang mga mamamahayag para panigan ang mga akusado sa kanilang mga pag-uulat.

Ayon kay Mangudadatu - hindi lang minsan niya narinig ang nabanggit na impormasyon at sa katunayan ay ilang ulit nang nakarating sa kaniya ang sinasabing nais na pagmamanipula sa ilang miyebro ng media.

Aniya, nananatili namang mainit ang pagtutok ng mga mamamahayag sa tinaguriang Maguindanao massacre at hindi niya ito nakikitaan ng paglamlam sa harap ng naturang ulat.

Sa panig naman ng ilang mamamahayag, kumpirmado aniya ang nasabing alok ng mga tauhan ni Ampatuan kapalit ng pagpabor sa mga ito sa tuwing sila'y mag-uulat.

Comments

Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.