Already a Member? Sign In | Sign Up
 

national News

RMN Networks | NATIONAL News Pamilya ng Pinay na pinakahuling na-recover sa Caribbean supermarket, umapelang i-uwi sa bansa ang mga labi nito

Pamilya ng Pinay na pinakahuling na-recover sa Caribbean supermarket, umapelang i-uwi sa bansa ang mga labi nito

February 09, 2010
A A A
2:45pm


Nagsasagawa na ng koordinasyon ang Overseas Workers Welfare Administration at pamilya ng Pinay na pinakahuling natagpuang patay sa gumuhong gusali sa Haiti sanhi ng malakas na lindol

Sinabi ni Department of Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Affairs Esteban Conejos na hiniling ng pamilya ni Mary Grace Fabian na maibalik sa bansa ang mga labi nito upang ditto ilibing.

Una na kasing inihayag ng kapatid ni Grace na si Rosalyn na nakabase sa Port Au-Prince na agad nang ilibing doon ang kanyang kapatid matapos itong ma-recover sa gumuhong Caribbean supermarket..

Si Fabian ay na-identify base sa kanyang uniform at kuwintas..

Patuloy pang pinaghahanap ang isa pang Pinay na na-trapped sa gumuhong gusali na kinilalang si Geraldin Lalican

Comments

Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.