Already a Member? Sign In | Sign Up
 

national News

RMN Networks | NATIONAL News Palasyo, bukas sa pagbibigay ng emergency powers kay PGMA upang tuldukan ang energy crisis sa bansa

Palasyo, bukas sa pagbibigay ng emergency powers kay PGMA upang tuldukan ang energy crisis sa bansa

February 21, 2010
A A A
(1:06 PM) BUKAS ang Malakanyang sa panukala na mabigyan ng emergency powers si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo upang lutasin ang energy crisis sa Mindanao.

Ito ay sa harap ng rotating brown out na namemerwisyo sa rehiyon dahil sa simula ng dry spell.

Ayon kay Presidential Adviser on Economic Affairs Gary Olivar, hinihintay pa ng presidente ang tunay na pulso ng bayan at ibat-ibang sektor.

Pagbabatayan din daw ang magiging rekomendasyon ng task force na binuo ng Energy Department hinggil sa panukala ng isang opposition congressman.

Sa kabila nito, inupakan ng Liberal Party (LP) ang panukala at iginiit na hindi kailangang bigyan ng ibayong kapangyarihan para dito ang pangulo dahil ang mas malaking bahagi ng bansa ay hindi naman apektado ng problema.

Comments

Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.