Already a Member? Sign In | Sign Up
 

national News

RMN Networks | NATIONAL News Pag-amyenda sa konstitusyon hindi prayoridad ni Villar

Pag-amyenda sa konstitusyon hindi prayoridad ni Villar

February 09, 2010
A A A
(12:36 PM) NANGAKO si Senator Manny Villar na hindi niya prayori¬dad ang pagpapa-amyenda ang 1987 constitution - oras na siya ang palaring maging pangulo ng bansa.

Idineklara ito ng Nacionalista Party standard bearer sa first edition ng Presidential debate na ginanap sa University of the Philippines, Diliman Quezon City.

Itinanong ito ng Foreign Businessman na si Peter Wallace – na kung ipapa-amyenda ang konstitusyon sa pamamagitan ng Constitutional Convention o Constituent Assembly, lalo na ang ‘economic provision’ - ay makapagmay-ari ng lupa ang mga dayuhan.

Inamin ni Villar ang pangangaila¬ngan sa pagretoke ng konstitusyon, pero – hindi ito ang magiging prayoridad ng kanyang pamahalaan.

Aniya - hindi ang mga pulitiko ang dapat magsulong ng chacha kundi ang taumbayan at kung gusto ng mamamayan na ipabago ang konstitus¬yon ay ipapadaan niya ito sa isang plebisito.

Idinagdag pa ni Villar na sapat na ang mga umiiral na batas para gabayan ang pagnenegosyo sa bansa at hindi na kailangang retokehin pa ang konstitusyon para lamang makapasok ang mga foreign investors.

Comments

Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.