Already a Member? Sign In | Sign Up
 

national News

RMN Networks | NATIONAL News NDCC, inirekomenda na ang pagsasailalim sa state of calamity sa Mindanao

NDCC, inirekomenda na ang pagsasailalim sa state of calamity sa Mindanao

March 10, 2010
A A A
(4:26PM) UMAASA si National Disaster Coordinating Council Chairman at Defense Sec. Norberto Gonzales na agad na magpapalabas ng Presidential Proclamation ang Pangulong Gloria Arroyo para aprubahan ang kanilang rekomendasyon na ilagay na sa state of calamity ang Mindanao bunsod na rin ng patuloy na lumalalang Power Crisis.

Layon aniya ng kanilang rekomendasyon na gamitin ang calamity fund at makagalaw ng malaya para nakagawa ng “Short-term Solutions’ bunga na rin ng epekto ng El Niño phenomenon.

Simula kasi ng pagpasok ng buwan ng Pebrero, ilang bahagi ng Mindanao ay nakakaranas na ng madalas na brownouts na tumatagal ng lima hanggang walong oras dahil sa 700-megawatt na power shortage.

Kasabay nito, inamin ni Gonzales na ang kanilang rekomendasyon ay bunga na rin ng kabiguan ng kongreso na makapagsagawa ng sesyon para masolusyunan ang epekto ng El Niño.

Comments

Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.