national News
Mga Pinoy, hinimok na bantayan ang bagong AFP chief
Dapat maging vigilante ang mga Pilipino sa kilos ng bagong talagang Armed Forces of the Philippines chief of staff.
Ito ang panawagan ni Nacionalista Party presidentiable Manny Villar sa harap ng pangambang magamit sa dayaan sa halalan si bagong AFP chief of staff Lt. General Delfin Bangit.
Umaasa rin si Villar na walang sinumang opisyal ng militar ang papayag na magamit sa pandaraya sa halalan.
Una na ring pinagdudahan ng mga Political analyst si Bangit lalo na’t nadawit ito sa Hello Garci scandal.
Comments
Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.