national News
Mga OFW na nag-rally, wala daw basehan ang pagpo-protesta ayon sa OWWA
Ito ang iginiit ni OWWA Administrator Carmelita Dimson, kasunod ng pagdi-demand ng mga repatriated OFW’s mula sa Saudi Arabia.
Una nang hiniling ng mga ito na bigyan sila ng tulong pinansyal bilang kapalit sa hindi nabayarang suweldo ng dating Arabian employer na Hanasban Corporation.
Ayon kay Dimson, walang mapapala ang pagra-rally ng mga OFW, dahil ang Philippine Overseas Employment Administration o POEA ang ahensyang may kapangyarihan na panagutin ang employer at recruitment agency sa mga manggagawa.
Aniya, inalok na rin ng OWWA ang mga ito ng sampung libong pisong livelihood assistance, pero hindi naman nila ito tinanggap.
Comments
Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.