Already a Member? Sign In | Sign Up
 

national News

RMN Networks | NATIONAL News Mga lumabag sa gun ban, hindi maawat sa pagdami

Mga lumabag sa gun ban, hindi maawat sa pagdami

March 10, 2010
A A A
11:01 am

PATULOY na dumadami ang bilang ng mga naaarestong lumalabag sa ipinatutupad na election gun ban sa buong bansa.

Sa latest report ni Philippine National Police spokesman Chief Supt. Leonardo Espina, sa nakalipas na magdamag lamang ay nadagdagan ng mahigit dalawampu ang mga naaresto kung saan ngayon ay naitala na ito sa 1,321.

Sa nasabing bilang, 1,160 ang sibilyan habang ang 161 ay kinabibilangan ng mga sundalo, pulis at iba pang mga empleyado ng gobyerno.

Nasa 1,133 na rin ang mga baril na nakumpiska habang 711 ang air gun at gun replica, 315 bladed weapon at 221 na granada at iba pang pampasabog.

Comments

Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.