national News
Mga kandidatong sumusuporta sa House Bill 5043, iboboto ng 38% na Pilipino
Ito ang lumitaw sa latest Social Weather Stations survey na ginawa noong January 21-24 sa 2,100 respondents sa buong bansa.
Anim na porsiyento lamang ang nagsabing hindi nila iboboto ang kandidatong nagtataguyod sa Reproductive Health Bill, na nakabinbin pa rin sa kongreso.
20% ang nagsabing hindi makakaapekto sa pagpili nila ng kandidato ang RH Bill, habang 35% naman ang hindi alam kung ano ang laman ng RH Bill.
Pabor din ang 7 sa bawat 10 Katoliko at hindi Katoliko, na dapat may nakalaang Family Planning “methods" sa mga health center.
Nakasaad sa panukalang inihain ni Albay Rep. Edcel Lagman, ang usapin ng mga sumusunod:
• Pagsawata sa abortion at pagtugon sa post-abortion complications
• Information and access sa natural at Modern Family Planning;
• Maternal, infant at child health at nutrition
• Pagpapalaganap ng breast feeding;
• Pagsawata sa Reproductive Tract Infections at Sexually Transmitted Diseases;
• Adolescent at youth health
• Pagsawata sa karahasan sa mga kababaihan;
• Counseling tungkol sexuality at sexual at reproductive health;
• Paggamot sa breast at reproductive tract cancers;
• Pakikiisa ng mga lalaki sa RH; at
• Pagsawata at paggamot sa infertility.
Una nang "lumambot" ang ilang kandidato sa pagsuporta sa panukala dahil sa mariing pagkontra dito ng Simbahang Katoliko.
Comments
Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.