national News
Hepatitis outbreak, idineklara ng DOH sa Iloilo
NAGDEKLARA na ng outbreak ang Department of Health hinggil sa pagkalat ng Hepatitis A sa Bayan ng Sara sa Iloilo Province.
Ito ay kasunod na rin ng pag-akyat sa labing walong katao ang kumpirmadong naapektuhan ng Hepatitis A mula sa dalawamput walong suspected cases nito.
Ayon kay National Epidemiology Center Director Dr. Eric Tayag, kabilang rito ang ilang estudyante ng Pitogo High School at Pitogo Elementary School, kasama na ang tatlong mga magulang at dalawang out of school youth.
Ngunit tiniyak ni Tayag na nasa mabuti ng kalagayan ang mga biktima at nagpapagaling na ngayon sa kanilang mga tahanan.
Kasabay nito, sinabi ni Tayag na maaaring nakuha ng mga estudyante ang nasabing sakit sa kontaminadong tubig na kanilang ininom sa labas ng paaralan.
Sa ngayon aniya, ay pinag-aaralan na nila ang tubig na na-inom ng mga biktima at sa lalong madaling panahon ay magpapalabas ng resulta ang health department.
Samantala, pina-alalahanan ni Tayag ang mga residente sa Sara, Iloilo na tiyaking malinis at napakuluan ang tubig na kanilang ini-inom.
Comments
Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.