national News
Hepatitis A outbreak sa Iloilo , kinumpirma ng Provincial Health Office
Ibinuyag ito ni Dr. Maria Socorro Quinon, matapos ang isinagawang blood tests sa bayan ng Sara at San Joaquin, kung saan nakapagtala sila ng 30 kaso ng Hepatits A.
Aniya, posibleng nakuha ng mga nagka-hepa ang virus mula sa kontaminadong tubig-inumin na nagmumula sa balon sa lugar.
Upang hindi na kumalat pa ang sakit, pinayuhan ng opisyal ang publiko na panatilihing malinis ang kapaligiran at ipasuri ang mga pinagkukukan ng tubig-inumin sa pamamagitan ng microbiological tests.
Ito ay upang matiyak na ligtas at malinisa ng naiinom nilang tubig.
Comments
Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.