national News
Biyahe ng Pangulong Arroyo sa Egypt at Syria, pinagpaliban bukas
Sa halip , alas dos y medya ng madaling araw bukas lilipad ang pangulo para sa nasabing official visit sa dalawang bansa.
Ang presidente at ang kanyang lean delegation ay sasakay sa Philippine Airlines flight pr001 sa Terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport.
Inaasahang babalik ng bansa ang Pangulong Arroyo sa huwebes, Mayo a sais.
Sesentro ang biyahe ng Pangulo sa Egypt sa interfaith dialogue, usapang pangkapayapaan at paghikayat sa mga investors na maglagak ng negosyo sa Pilipinas.
Sa kabilang dako, magkakaroon ng bilateral meeting ang Chief Executive kay Syrian President Bashar Al-assad at sila ay lalagda sa ilang kasunduan.
Ipinagpaliban ng presidente ang paglabas ng bansa ngayong araw para makadalo sa mga aktibidad para sa Labor Day at sa turn-over ceremony ng AFP leadership.
Comments
Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.
24°C to 34°C
Moderate:
Northeast
Manila Bay:
Moderate
.