national News
AFP at PNP kakasuhan ng Bayan Muna sa pagdukot ng 43 health workers sa Morong, Rizal
Mariing kinondena nina Bayan Muna Party-List Reps. Teodoro Casiño at Neri Colmenares, ang ginawang pagdampot ng mga pulis at militar sa mga health workers.
Iginiit ng mga kongresista – paglabag sa karapatang pantao ang hakbang ng otoridad.
Sinasabing dinukot ang 43 health workers habang nagse-seminar sa resthouse ni Dr. Melecia Velmonte sa Morong, Rizal, sa hinalang kasapi ang mga ito ng NPA.
Para kay Colmena¬res - depektibo ang inihaing search warrant ng raiding team sa pangu¬nguna ni Col. Aurelio Baladad, commander ng Philippine Army’s 202nd Infantry Brigade.
Hinala pa ng opisyal - “plan¬ted” ang mga nakumpiskang mga ebidensiya laban sa mga health workers.
Comments
Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.