Already a Member? Sign In | Sign Up
 

national News

RMN Networks | NATIONAL News Rogelio Pijuan, tinanggihan ang alok ng Pangulo na maging Undersecretary for Broadcast ng PIA

Rogelio Pijuan, tinanggihan ang alok ng Pangulo na maging Undersecretary for Broadcast ng PIA

March 12, 2010
A A A
(2:54PM) BINASURA ni Technical Education and Skills Development Authority Director General Rogelio Pijuan ang alok sa kanya ng Pangulong Arroyo na maging Undersecretary for Broadcast ng Philippine Information Agency.

Ito ay matapos na alisin ng Pangulo sa TESDA si Pijuan dahil sa pagkakasangkot nito sa iregularidad sa mga proyekto ni dating TESDA Director Augusto Syjuco.

Tinututulan naman ng mga kawani ng TESDA ang pag-recall ng pangulo kay Pijuan sa nasabing ahensya.

Napag-alaman na hanggang sa ngayon ay pinapipili ng Malakanyang si Pijuan ng nais nitong pwesto sa gobyerno.

Comments

Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.