national News
PGMA, binasbasan na ang pagpapalabas ng pondo para tugunan ang epekto ng tagtuyot sa Mindanao
Ipinaubaya na rin ng punong ehekutibo sa El Niño Task Force, kung paano gagastusin at kanino ipapamudmod ang nasabing budget.
Iginiit pa ng Chief Executive na hindi na kaila¬ngan pa ng pag-apruba ng Commission on Elections, sa mangyaya¬ring pagpapalabas ng 5% calamity fund mula sa internal revenue allotment para sa mga apektadong lugar.
Aniya, tanging ipinagbabawal sa election period ay ang awarding ng mga kontrata at hindi ng mga proyekto.
Nakikipag-usap na ngayon si Energy Secretary Angelo Reyes sa Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines, para magbigay ng financial support sa pagrenta ng power generation sets mula sa pribadong sektor.
Limitado lamang sa P100 milyon ang maaaring hiramin o i-loan ng gobyerno sa private sector para sa importasyon ng generation sets.
Comments
Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.