entertainment News
Master rapper Francis Magalona, pumanaw na
Si Magalona ay binawian ng buhay sa Medical City sa Mandaluyong City sa edad na 44 anyos.
Ayon sa report nakatakda pa sanang sumailalim sa Bone Marrow Transplant si Magalona bago ito sumakabilang buhay.
Nakatakda rin sana itong mag-perform sa final set reunion concert ng Eraserheads bukas March 7.
Si Magalona ay ipinanganak noong Oktubre 4, 1964 at kilala sa mga tawag na Francis M, Kiko at The Mouth.
Magugunitang noong August 2008 ay inanunsyo nitong mayroon siyang sakit na Leukemia kasabay ng apela na bigyan siya at ang kanyang pamilya ng privacy.
Si Francis ay anak ng mga artista ding sina Tita Duran at Pancho Magalona.
Comments
Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.
24°C to 33°C
Moderate to Strong:
Northeast-East
Manila Bay:
Moderate to Rough
.