entertainment News
Kilalanin ang mga nangibabaw na ganda sa Binibining Pilipinas
Itinanghal na Bb. Pilipinas Universe ang 21-anyos at tubong Camarines Sur na si Maria Venus Raj, Bb. Pilipinas International naman ang 20-anyos ng Quezon City na si Krista Arrieta Kleiner at Bb. Pilipinas World naman ang bulakenyang si Czarina Catherine Gatbonton.
Bukod sa titulo, nasungkit din ni Raj ang Best in Long Gown, Best in Regional Terno Award at Ms. Friendship habang si Kleiner naman ay hinakot din ang Best in Talent at Best in Swimsuit.
Samantala, napanalunan din ng 2nd-Runner Up na si Helen Nicolette Henson ang Ms. Photogenic, Ms. Philippine Airlines at Ms. Fit ‘N Right.
Comments
Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.