Already a Member? Sign In | Sign Up
 

entertainment News

RMN Networks | ENTERTAINMENT News Ciara Sotto, sinuba ang kanyang talent fee sa broadway project sa Las Vegas

Ciara Sotto, sinuba ang kanyang talent fee sa broadway project sa Las Vegas

March 12, 2010
A A A
(7:52 AM) SUMISIGAW ng katarungan si Ciara Sotto sa hindi pa naibibigay na talent fee niya sa isang broadway project.

Hindi kasi alam ni Ciara kung paano niya makukuha ang tumataginting na 20,000 US dollars na dapat sana ay kabuuang bayad sa naudlot na project niya sa Las Vegas.

Nasayang daw ang dalawang taong paghihintay niya para maka-puwesto sa Las Vegas kasama ang iba pang mga talents, kaya naman gusto niyang makuha man lang ang malaking halaga na iyon.

Matatandaan, tatlong taon na ang nakararaan nu’ng magdesisyon si Ciara na iwan ang showbiz para makipagsapalaran sa Las Vegas, pero nagdaan ang dalawang taon ay walang nangyari sa career ni Ciara.

Siyempre, kakailanganin ni Ciara ang naturang kaperahan lalo pa ngayon na may asawa na siya.

Comments

Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.