business News
Pagkabigo ng automated elections sa bansa, ikinabahala ng financial sector
Ayon kay Sterling Bank Asia Treasurer Roland Avante, kabado ang mga banyagang manunuri kung mababahiran ang halalan at magkaroon ng "political instability."
Aniya, 80% ang pangambang may failure of elections at kung masabotahe man ang halalan, lahat ng pinaghirapang maabot ng bansa ay mababasura lamang.
Ipinunto ni Avante, ang kawalan ng kasiguraduhan ang isa sa mga dahilan kung bakit pinili ng mga pandaigdigang mangangalakal ang global bonds na inalok ng Indonesia kesa doon sa mga inilabas ng Pilipinas.
Lalo pang umigting ang pagka-bagabag sa mga nagaganap na brownout, na mas malala pa sa mga lugar sa labas ng Metro Manila.
Comments
Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.