Already a Member? Sign In | Sign Up
 

business News

RMN Networks | BUSINESS News Cong. Mark Cojuangco, kakausapin lahat ng presidentiable hinggil sa isyu ng nuclear power plant

Cong. Mark Cojuangco, kakausapin lahat ng presidentiable hinggil sa isyu ng nuclear power plant

March 04, 2010
A A A
(9:08PM) KAKAUSAPIN ni Pangasinan Cong. Mark Cojuangco ang lahat ng presidentiable sa isyu ng nuclear power plant.

Ayon kay Cojuangco, hihingi siya ng tigda-dalawang oras sa mga kandidato para ipaliwanag ang kanilang magiging alternatibong solusyon sa problema sa kuryente.

Aniya, kababalik lamang niya mula sa South Korea upang pag-aralan ang pinagkukunang suplay ng kuryente, kabilang na ang nuclear power plant.

Handa naman ang South Korea na tumulong sa pagtatayo ng nuclear plant sa Pilipinas o kaya ang rehabilitasyon ng Bataan Nuclear Power Plant, pero natatakot na maging isyung politikal.

Nanindigan din ang kongresista na ang pagbubukas ng BNPP ang magiging solusyon sa lumalalang krisis sa kuryente sa bansa.

Comments

Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.