business News
Budget deficit ng bansa, bumaba noong Enero
Bahagyang bumaba ang budget deficit ng bansa sa unang buwan ng taon.
Mula sa 38.1-billion pesos na budget gap noong January 2009 , umabot na lamang ito sa 37.1-billion pesos noong Enero ngayong taon.
Ayon sa Department of Finance , ang pagbaba ng budget deficit ay bunga ng pagtaas ng koleksyon ng Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs.
Umaasa naman ang pamahalaan na sa katapusan ng taon , aabot na lamang sa 293-billion pesos ang budget deficit ng bansa.
Comments
Any reaction you would like to convey? Add your comment and make your voice heard on what's happening today.